Since we were already in Lingayen... Arvin suggested na punta na din kame Bolinao! So nagtanong tanong kame sa mga tao dun... alang nakakaalam! sus! anu ba yan?! finally... nagpunta kame trade fair and someone finally answered our question... mga 1 hour lang daw from Lingayen pag may car...pero ala kameng sariling car! merong option # 2 ... ang sasakyan namen eh ordinary bus lang! YEHOO!!! Ordinary bus itu! The last time na ginawa ko yun was with my bestfriend, Chanda... when we went to Tagaytay... mga 10 years ago siguro... pero it was fun!
Pang backpackers ang beauty namen that day! tanong tanong lang sa mga taong medyo alam ang Bolinao... Sabi nila sakyan daw namen ang Boltex...para derecho bolinao... eh mukhang matagal pa dumating un so sinakyan na din namen ung pinaka unang bus na pa-bolinao! So heto na... nagsimula na ang biyahe..mga 2 hours din ata inabot ung biyahe namen.. eh pano ba naman... sa may Alaminos eh tumambay pa ang bus namen! ala namang pasaherong sumakay! sus! kakainit ng ulo! hehehe
So pagdating bolinao... shempre... papalampasin ba namen ang pagkakataon... picture muna... picture muna!! kahet kasagsagan na ng init eh pose pa din ng pose... hehehe
St. James Church
Bolinao Town Hall
Pagkatapos nun... nagtanong tanong na naman kame sa mga tao dun kung san ang white sand beach ng Bolinao! Hala! 1 hour from city proper pa daw! Waaaaaah! So nagrent na lang kame ng tricycle... para mejo mas mabilis.. hehehe... at sulit naman ang lahat ng lubak na nadaanan namen along the way nung makita namen ang Bolinao Cape Lighthouse! Sus! First time ko makakita nun! Kaka-excite! parang sine lang. hehehe


Matapos sa lighthouse.. mga ilang minutes na lang pala eh nasa Patar white sand beaches na kame! Woohoo! After 10 million years.. andito na kame! yey! At shempre hindi na kame nagpatumpik tumpik pa! Swimming na kagad itu! Medyo malakas ang alon dun... sabi ni Arvin.. isipin ko na lang daw.. nakaligo na ko sa China Sea kase ung Bolinao eh nasa dulo ng mapa na... ala ng susunod na island dun... Shempre white sand dun pero eto ung mga buhangin na lumulubog ung paa mo kaya medyo nakakangalay maglakad. hehehe... Ang kinagandahan lang dun... onti lang tao.. di tulad sa Boracay.. parang kame lang may ari ng resort. hehehe... kulang ung time that we spent there... we could have explored the caves... the falls... and madami pang iba... siguro someday... babalik kame dun.. to explore the secrets of this place they call Bolinao...


