Sunday, April 27, 2008

Ang pictorial sa may Hundred Islands, Alaminos

Nakakapagod ang biyahe from Bolinao to Alaminos at shempre pa ordinary bus pa din ang sinakyan namen... antok na antok na ko... pero ung ibang kasama namen gusto pang magpunta ng Hundred Islands... magpapapicture lang daw... I asked Arvin kung pwede maiwan na lang ko sa isang mall dun.. uupo na lang ako.. kase sobrang pagod na ko.. ayaw niya pumayag... hindi naman daw niya pwedeng iwan ako kung saan saan.. sinusungitan ko na nga.. ayaw pa din... so kesa mag away kame... sumama na din ako.. mabilis lang naman siguro yun sa isip isip ko... halos padilim na din kase... Nakakawalang pagod din nung makita ko ung mga islands dun... everything was a first for us... Nakita namen from there ang Bolinao lighthouse (with the lights on, of course! woohoo!).. nakakawalang pagod ang very serene waters dun...

Pero shempre.. binulabog namen ang lugar kakapa-picture!

Na-discover ko lang din na meron palang resemblance si Arvin kay Piolo Pascual... heto proof ko! mejo chubby version nga lang! (luv you hun!) hahaha

At shempre pa.. magpapatalo ba ko?? ala nga lang akong kamukha dito pero pose din ako noh! Bwahahaha!

Pero these are the pictures that finally made us decide to buy one of those SLRs... kase Hunny discovered that he really has the talent to take wonderful photos... Ü partida ah.. simpleng old school digi cam lang gamit niya dito.. hehehe

No comments: