Hindi nako mapakali... ala pa din akong hanggang ngayon... 7 days nakong delayed! Sugod na kame OB... kasama ko si lola Chit! madaming tanong si Doc... kelan huling nagkaron... anong BP.. weight.. medical history... etc... at pagdating ng huli... kelangan daw niya ko i-IE (internal examination!) Waaaaah... pero sige na... para naman kay baby un eh... (sana!) so eto na ang speculum... pasok! at eto pa ang daliri... pasok! nakakawalang gana! parang nakakapanghina... pero tiis tiss lang muna... so ano findings niya??? soft cervix daw ako??? isa sa mga signs ng pregnancy! Woohoo!!! pero medyo duda lang sha kase daw negative ang results ng pregnancy test ko... so she advised me to take another pregnancy test pero this time.. gamitin ko daw ung Medic na brand... tas pag negative pa din... magpapatransvaginal ultrasound na ko! Haaaaay... sana pregnancy test pa lang positive na! Ü
Friday, May 2, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment